My Short Tour sa GUELPH, Ontario

4 07 2008

 

visit www.guelph.ca
visit www.guelph.ca

Guelph, Ontario Canada - Kumusta na dear reader..? isa nga pala sa naging adventures ko nitong mga nakaraang araw ay ang pagpunta ko sa Guelph, Ontario kasama ko dito ang ka-officemate ko na taga dito sa Guelph, ang lugar ng Guelph ay isang maliit na lugar lamang kung titignan mo ito sa google earth makikita mo sya kung gano lang sya kaliit, tahimik ang lugar ng Guelph kung ikukumpara mo sa Toronto City, kung saan ako nanatili ngayon maikling panahon lang ang ginugol ko sa pagbisita ko sa Guelph isang araw at sandaling oras lang dahil hinahabol ko ang oras ng GO BUS papuntang Toronto uli, ang Toronto kumbaga sa pinas e sya ang maynila at ang Guelph naman ay ang probinsya kung naghahanap ka ng katahimikan sa panahon na naiirita ka sa ingay pumunta ka lang sa Guelph at siguradong matatahimik ka sandali.. nagiging busy din ang lugar ng guelph lalo na kung may pasok sa University of Guelph.

 

wwoooooooohhhoooooooooooooooo!!!!!
wwoooooooohhhoooooooooooooooo!!!!!

Sa taas ng Guelph Church (I`m on top of the world yey!)  dito makikita mo na naka-elibeyted ang simbahan dahil sa lugar na kung saan ako nakatayo kapag dumating ka ng downtown guelph ang simbahan ang una mong makikita dahil nga sa mataas na lugar sya at nasa gitna sya ng daanan, itong simbahan na ito ang makikita mo syempre sa homepage nila kumbaga sya ang land mark.

 

Guelph Info Center
Guelph Info Center

“hmmm.. ito siguro ang tamang oras na magtanong ako dahil nawawala ako..” (hehehehe) kung baguhan ka sa lugar at hindi mo alam kung saan ka pupunta tamang tama may Info. Center kang mapupuntahan malapit lang din ito sa may simbahan, sayang at hindi ko nalibot ng matagal ang lugar na kung saan nakatira ang ka-opisina ko gusto ko pa sanang maglibot libot kaso nagahol nako sa oras at kapag naiwan ako ng bus papauwi maghihintay na naman ako ng ilang oras para lang makabalik at gagabihin  nako tyak mahigit dalawang oras ang naging biyahe namin, oo nga pala pwede kading sumakay ng GO TRAIN mga ilang minuto lang andun kana sa Guelph kaso yung mga panahong yun walang gaanong pumupunta sa guelph dahil sa long weekend, pati siguro ang mga tao sa guelph e nawala dahil nagpupunta sila sa ibang lugar (kaya pala ang tahitahimik.. nyik..) kung sa bagay ang tahimik naman talaga ng lugar na ito hehehe sa mga gustong magpunta ng guelph (kung gusto nyo lang) kasi yung mga matatagal na dito sa canada ayaw na bumalik kasi nagsawa na yata hehehe.

Sana makabalik uli ako sa lugar na yun dahil gusto ko pang makita sya ng buo o malibot ng todo kaso matatagalan tulad nga ng sinasabi nila madalas.. “busy tyo e..” kahit hindi hahahaha.. sige hanggang sa susunod.

 

Hanggang sa muli kaibigan!!! oras na para umuwi hehe..
Hanggang sa muli kaibigan!!! oras na para umuwi hehe..




Gay Week

30 06 2008

Kumusta kana dear reader! haha ok ba topic ng blog ko the Gay Pride Week! yey! umuulan ng baklush!!! hahaha sa totoo lang nakakatuwa tong week nato.. at nagkita din kami ng ka-officemate ko at nag karoon din ako ng bagong mga kaibigan.. noong sabado naisipan kong maglakad-lakad sa may part ng wellesley east nagulat nalang ako ng makita kong may mini concert sa harap ng wellesley station at wow! doon ko naalala na gay week nga pla.. at bumabati sila ng happy pride day! naglakad lakad pa kami ng kaibigan ko nice place!! 

sa wellesley east point papunta kami sa mini concert.. kaso ako lang muna daw may picture hehe ayan malapit na din kami sa mini concert, sa totoo lang nakakatuwa tong gay week nato kasi dito mo makikita yung power ng mga gay pride at tanggap sila ng komunidad.. at nakakatuwa din yung mga happenings dito talaga haha aaminin ko talagang natuwa ako ng husto kahit hindi ko nakita yung parada na matagal ko ng inaabangan.. ang problema lang kasi may pasok ako sa trabaho.. kaya hindi kona sya nakita syang ang ganda pa naman non!

   

ayan na malapit nako at sa kabilang litrato naman na makikita mo yan ang mini palabas nila na talaga namang nakakatuwa 

 

oi! ang lulupit nila parang mga tunay na babae.. kaya kung hindi mo sila susuriin ng mabuti talagang madadali ka ng kanilang kakaibang dating marami sa knila ang hndi mo na makilala kung tunay na babae ba o bading.. sa kabilang litrato naman ay nahuli ako ng isang pulis hehehe kasi nagkakalat daw ako hehehe sa totoo lang kinausap ko sya para meron akong souvenir ng kunwari nahuli ako ng pulis dito sa toronto.. pero hindi ko nanaising magpahuli talaga kung may nagawa akong prob. mahirap na e.. hehehe mahirap maghanap ng trabaho kapag may police record ka.. kasi dito talagang may background check hindi katulad satin sa pilipinas kunwari meron pero for formality lang naman.. sa totoo lang enjoy na enjoy ako this week.. sa kabila ng medyo may conflict pa.. hmm.. ano pa kaya ang susunod na adventures ko dito sa canada.. abngan mo nalng uli! hehehe sige at makikiparty pako! hanggang sa susunod!


 





Almost 1 year nako sa CANADA!! yey!!

23 06 2008

Kumusta! ayos paba tyo dyan? hehe noong nakaraan balot ng tensyon ang blog na na-i-post ko.. ngayon, babalewalain ko na lang sya.. kakalimutan kumbaga.. ngayong darating na Agosto 02, 2008 malapit na yun ay malapit nakong mag-isang taon dito sa Canada, isang buwan na lang ang hihintayin ko at eksaktong isang taon nako.. natutuwa ako kahit papano sa kabila ng mga nangyari sakin dito sa loob ng isang taon e nakatagal parin ako.. alam moba na isa sa mga dahilan ng pinoy/ pinay.. worker, tourist, immigrant o citizen na.. isa sa mga dahilan nila kung bakit hindi sila nakakatagal dito sa Canada ay ang sobrang lamig ang lamig dito tuwing winter ay hindi biro.. apat na suot mo tinatablan kapa rin ng lamig.. at dahil doon yung ibang worker, immigrant o citizen na e gustong umalis dito sa Canada tuwing winter kasi dahil sa tindi ng lamig.. alam kong may mas may malamig pa sa Canada lalo na yung parteng itaas (north pole) alam  naman natin na nakamamatay ang lamig doon syempre hehe.. kapag wala kang tamang suot patay kang bata ka.

Ok

Sa mga turistang pinoy ok lang kung maranasan nila ang lamig dito sa Canada kahit winter ayos lang talaga sa kanila yun kasi hindi naman sila magtatagal dito mga isa o dalawang buwan ng winter ok na sa kanila.. pero sa mga pinoy na nagtatrabaho dito sa Canada at permanenteng naninirahan.. e sawa na sila doon ang sabi nga nila dito nakaka-depres raw kapag winter, kung sa bagay totoo naman kasi base sa naranasan ko hindi ka makagala sa labas lalo na kapag bumabagyo ng snow.. nasa bahay ka lang nakatingin sa malayo.. (with matching emote emote.. hahaha) sa kabilang dako naman masaya din ang may snow kasi nakakapaglaro kayo ng batuhan ng snow hahaha lalo na andyan ang barkada pero kung wala sila e.. mag tayo o gumawa ka na lang ng snow man pampalipas oras mo sa snow hehe, ok naging makulay ang buhay ko dito sa Canada sa loob ng halos magi-isang taon hindi ko akalain na aabot ako ng isang taon dito sa totoo lang namimiss kona ang pinas syempre doon ako lumaki at namulat sa katotohanan ng buhay.

Naaalala kopa noong bata pako tuwang tuwa ako kapag umuuwi ang tiyo ko galing US dahil lagi syang may pasalubong samin pero minsan nagtatampo ako kapag hindi yun yong gusto ko na pasalubong pero ayos padin kasi ang tinitignan natin doon ay imported from US hehehe bida ka kapag ang sapatos mo ay galing ibang bansa ibig sabihin mamahalin at orig. pero ng ako naman ang napunta sa ibang bansa (dito ngayon sa Canada) mahirap din pala hindi pala talaga biro ang pagkita ng pera dito, dito naman mabibili mo lahat ng gusto mo kung marunong kang mag-budget lalo na`t nagtatrabaho ka dito.. sa totoo lang nakabili nako ng ibang bagay na hindi ko nabibili dati at natutuwa ako dahil nakikita ko ang pinaghirapan ko pero syempre hindi ka dapat mawawalan ng pang-gastos kahit papano.

Hay, konting panahon na lang at eksaktong isang taon nako.. isang taon pa at malaya nako, malaya sa nararanasang kalupitan ng buhay ko dito sa mga kasama ko.. tiis pa tulad nga ng sabi nila kapag may tyaga may nilaga hindi bale may awa ang diyos makakaalis din ako dito at mamumuhay ng walang ibang iniintindi kundi ang mga susunod na mangyayari sa buhay ko, konting panahon na lang uli at ayos na ang lahat salamat sa mga taong sumuporta sakin! hindi ko kayo makakalimutan busy lang ako pero hindi ako nakakalimot sa mga taong minsan naging parte ng makulay kong buhay.

Ok! hanggang sa susunod! SALAMAT!





Pagpapasensya..

16 06 2008

Kumusta kana dear reader..? marahil ay nagtataka kung bakit pagpapasensya ang title ng blog ko? ok tungkol ito sa naranasan kong hindi magandang pagkakaunawaan na humantong sa isang hindi magandang palabas.. may tanong ako syo? ikaw kapag alam mong mali ka at nagtatalo kayong dalawa hanggang sa hindi kana kumikibo at patuloy padin ang kakadaldal nya sayo? mapipikon kaba? o pababayaan mo nalang hanggang sa laitin ka ng laitin..? kung ako ang tatanungin mo syempre medyo mainitin ang ulo kaya ang sagot ko dun napikon ako sa mga pinagsasabi nya.. kung ikaw ang isasagot mo ay mapipikon ka syempre pareho tyo ng sinapit, nakipag-away padin tyo.. pero kapag masyadong mahaba ang pasensya mo malamang ang sagot mo ay pababayaan mo na lang hanggang sa sabihin mong iwas gulo ka na lang sa totoo maganda din yung umiwas kana lang.. ganon sana ang gagawin ko kaso naunahan ako ng init ng ulo at ayun! gulo ang kinalabasan.. kahit alam kong mali ako lumaban padin ako dahil ayaw nya akong tigilan hindi na sana hahaba pa pero sya ang nagpatuloy.. nagpapatunay lang na talagang gusto nya ng away.. 

Minsan mahirap tumanggap ng pagkakamali lalo na kung alam mong napahiya ka ng husto pero wala kang magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan na wala ka talagang magawa.. dahil alam mong ikaw ang nagkamali.. sa isang banda kahit papano may mga nakaka-intindi syo sa pag-uugali mo.. sila yung matatawag mong tunay na kaibigan alam nila kung ano ka at kung papano ka kumilos.. at kung anong klaseng pagkatao meron ka at sila ang magsasabi syo na pagpasensyahan mo na lang lahat dahil andyan na.. nangyari na lahat wala ka ng magagawa kundi ang tanggapin ito, ganyan ang nararanasan ko ngayun alam kong may pagkakamali ako pero tao lang ako at hindi perpekto alam naman natin na walang perpekto sa mundo kundi ang diyos, kahit ganun ang nangyari pinilit kopa ding makihalubilo sa kanya pinapatunayan ko lang na bali wala ng lahat sakin ang buong pangyayari pero alam naman natin na hindi ganong kadali na patawarin ka ng kaaway mo o nakaaway mo..

Sa ngayon wala akong magagawa kundi ang sumunod sa bawat dikta ng mga susunod na araw ang diktang ito ay isang ultimatum na isa pang pagkakamali tapos na ang lahat.. sa totoo lang wala akong kabang nararamdaman kundi magulong pangitain at pakiramdam hindi ko alam kung bakit.. pero siguro nasanay nako ng ganito,.. sa ibang dako naman ng sitwasyon maswerte padin ako kahit papano sa kabila ng lahat ng nangyari ayun pasensya padin. pasensya pasensya hanggang makaalis ako sa kanila sa ngayun kasi nakikituloy lang ako.. isang taon pa at makakaalis na din ako sa bahay nila.. lilipat sa isang kaibigan na nagpapahalaga sakin at nagmamalasakit dahil nakaaway din nila ang nakaaway ko dito.. kung ikaw may nakaaway ka? itututloy mo pa din bang hindi ka masapawan o pagpapasensyahan mo na lang..?  





Gala

3 06 2008

Oi! kumusta kana dear reader.. hehehe pasensya na sa medyo naudlot uling post.. medyo nag-galagala muna\"Dito ako madalas nakatambay..\" ako sa labas ng bahay namin.. ayan habang nag-gagala ako sa Downtown Toronto naisipan ko ulit dumaan sa paborito kong lugar na tambayan sa Eaton Mall o Eaton Centre, habang naglalakad-lakad ako naisip kong pumunta muna sa Apple Centre kung saan tinitinda ang lahat ng klase ng Apple products katulad ng MAC, iPod na ibat ibang generation at klase yung latest na iPod Touch at MAC book na manipis at iba pang products na gawa nila gusto ko sanang bumili ng iPodTouch kaso may mga binabayaran pako e hehehe baka kapusin nako nito.. kaya hindi kona tinuloy yung balak kong bilin next time nalang madami pa namang pagkakataon hehehe.

\"Ok lang mag check na mail saloob wag ka lang magtatagal hehehe..\"


Naglibot libot din ako sa iba hanggang sa napadpad ako sa Sport Check na tindahan ng sari-saring damit na pang sports at mga acessories din syempre may mga sapatos din na tinda.. eto na naman ako gusto kong bumili uli kaso ang problema hindi sya naka-sale noon kasi nakita ko yung presyo ng gusto kong bilin na sapatos ay mahigit $40 sa panahon na sale yun pero itong panahon nato $75 sya kaya hindi kona din tinuloy tataas pa yung kasi may GST/PST pa na hindi ko ganong maintindihan kung bakit kelangan pa noon.. dito kapag bibili ka ng isang bagay hindi pa kasama ang TAX yun yung GST/PST pero yung GST bumaba na sya pero yung PST hindi pa at sa susunod pang 2 hanggang 3 taon liliit uli ang GST, ay nako hindi kona muna babanggitin yang GST/PST nayan kasi kahit medyo matagal nako dito e hindi ko padin makuha ang dahilan kung bakit may ganon pa.

Sa totoo lang na-miss ko yung mga pag-gala gala ko sa pilipinas kasi doon hindi dahil may minamaneho akong sasakyan e dahil may mga kaibigan akong nakakasamang mag-good time kahit madaling araw o kinabukasan na kami umuwi minsan nga gusto kong gawin yun dito pwede naman ang problema nga lang may mga bagay na hindi kanais nais minsan.. at oo may mga kaibigan nadin akong puti/ canadian at iba pang lahi pero kasi yung iba hindi mahilig gumala ng gumala yung iba naman alam kong bad influence at alam ko din na dadalhin nya ko sa hindi kanais-nais na lugar.. na siguradong magkakaroon ng gulo pero ayus lang din kasi hindi naman nila ako pinipilit kaya walang problema.

O papano hanggang sa susunod ko ulit na blog.. magpapahinga na muna ako napagod ako sa pag-gagala gala.. hahaha hanggang sa muli! baka sa susunod mas may mainam pa akong makukwento!





Sa Canada pt. 3

22 05 2008

Ok! kumusta kana dear reader..? ok kapa ba? healthy paba tyo jan? ok well eto na yung part 3 ng Blog kong Sa Canada.. ok.. ehem ehem.. a.. teka nangangati yung kamay ko… hindi ako makapag-type ng maayos..  ok eto na.. dito din sa Canada yung mode ng transportation nila  madalidali  kesa sa pinas kasi dito may sariling bus stop at government lang ang nagpo-provide may  mga taxi din at madalas sa mga taxi driver e mga Indian oo madalas sila yung mga nagmamaneho at hindi lang basta taxi na pinatatakbo sa loob kapag sumakay ka mapapansin mo na may ID sa harap at likod ng taxi yun ay para kung loko-loko yung taxi driver ay pwede mong isumbong sa owner ng taxi company, at kung halimbawa may naiwan ka sa loob ng taxi at yun may mga telepon no. naman ng taxi.. yun e kung binasa mo yung ID at mga terms and condition kaya minsan mapapabigay ka talaga ng tip kasi madalas sa kanila mababait naman.. makikipag-kwentuhan pa syo ng hindi ka ma-boring hahaha yung e kung gusto mo lang makipag-usap hehe, sa pagsakay naman sa bus dito katulad nga ng nabanggit ko may sariling mga bus stop talaga ang bus dito at may oras kada bente minutos may dumarating kaya ontime ka dapat lagi dahil maiiwan ka ng bus.

Sa bus stop naman kapag andyan na ang bus dalawang bagay lang ang gagawin mo sa paraan ng pagbabayad una kung wala kang ticket o token magbabayad ka ng 2 dollars and 75 cents at hindi mo sya iaabot sa drayber o kundoktor ng bus dahil wala namang kundoktor ng bus dito kundi ilalagay mo sya sa isang parang drop box sa tabi ng drayber pagsakay mo kapag may ticket ka naman o token yun ang ibabayad mo sa bus at kung may monthly pass ka na ipapakita mo lang yun sa drayber ng bus at ok na ang lahat, yung ticket o token mabibili mo yun sa ibang outlet store na awtorisado na magbenta pati monthly pass at mabibili mo din sya sa subway station kung saan doon ang huling babaan ng bus tapos iikot na uli sya ang bus dito ay may numero at pangalan para malaman mo kung saan ka dapat sumakay patungo sa destinasyon mong gustong puntahan at kapag nasa subway kana kung saan nga ang huling babaan ng bus hindi kana magbabayad pang muli bagkos ay sasakay ka na lang ng tren sa ilalim ang daan nila para hindi sila nakakasagabal sa itaas ang galing no? bakit kaya sa pinas nasa ibabaw pwede naman sa ilalim diba? at kapag nasa tamang estasyon kana bumaba hihintayin mo na lang yung bus na dapat mong sakyan at libre padin sya kasi hindi ka naman umalis ng subway pero kung hindi ka galing ng subway mag-babayad ka syempre at kapag gusto mong lumipat ng ibang bus hihinga ka lang ng transfer ticket at yun ang ipapakita mo sa ibang bus na sasakyan mo, biruin mo isang beses ka lang nagbayad pero malayo na narating mo.

Hindi ka naman maliligaw dito kasi halos lahat ng bus sa subway station ang huling babaan, meron din dito na mapa na kung papano ka sasakay at kelangan din alam mo kung saan ang NORTH, WEST, EAST at SOUTH kasi yun ang ginagamit nila dito madalas makikita mo din yun sa street signage na may letrang E o kaya W na ibig sabihin ay papunta ka ng west o east.. makikita mo din yun sa bus, numero ng bus at yung destinsyon nya at nakalagay kung EAST o WEST, pati sa subway makikita mo northbound o southbound ganon lang kadaling sumakay dito at kung may sarili ka namang sasakyan madali din naman basta marunong ka hehehe oo nga pala ang pagkuha ng lisensya dito para maka-pagmaneho ay kukuha ka muna ng eksamen o test syempre may bayad yun isang araw lang alam mo na kung pumasa ka o hindi kasi tatawagin kayo isa isa pagkatapos ng pagsusulit ang pangit lang kapg bagsak ka e isisigaw pa kaya malalaman na bagsak ka pero kapag pumasa ka pipirma kana para sa student permit mo at pagkatapos noon ay kukuha kana ng driving lesson para sa non-pro o G2 kung tawagin nila dito at kapag pumasa kana uli kukuha ka naman para sa pro o G at kapag ok kana sa lahat pwede kanang magmaneho ng malaya wag ka lang gagawa ng kalokohan kasi katulad ng nabanggit ko sa unang post ko noon may mga pulis na umiikot para manghuli ng mga hindi sumusunod sa batas at kapag nahuli ka hindi mo sila pwedeng  kausapin na “boss baka pwede natin tong pagusapan ” hindi yun pwede dito dahil huhulihin kana at ikukulong ang magiging kaso mo e bribery meron ding gumagawa noon pero sa 100 lima lang ang gumagawa kasi nga may disiplina ang mga tao dito at kung mabilis ang takbo mo gamit ang mabilis mong sasakyan na ala the fast and the furious ang dating e hahabulin ka at hindi ka titigilan hanggat hindi ka nahuhuli.

Ayan ngayun may mga ediya kana na kung sakaling balak mo ng lumipat at manirahan dito sa canada sa totoo lang madami pakong gustong sabihin pero mas maganda kung ikaw na mismo ang makakatuklas kasi yung ibang idadag ko ay may mga pagbabagong nangyayari kaya hindi ko sya basta makukukwento.. marami padin akong aalamin kasi hindi kopa naman nalilibot ng todo ang buong canada kung sa tingin mo e nakatulong tong blog ko para malaman mo kung papano manirahan dito e salamat sa pagbabasa, wag kang mag-alala dahil sa mga susunod kong blog may mga mababangit padin akong hindi kopa nasasabi, sa ngayun magpapahinga na muna ko dahil pagod na kamay ko sa kakadot dot ng keyboard hahaha

sige kaibigan hanggang sa muling blog post ko!  enjoy!





Sa Canada pt.2

14 05 2008

Ahoy! eto uli ako magtatype ng nabitin kong istorya, ok! ayan mag relax ka muna habang nagbabasa kumuha ng maiinom o di kayay isang bagay na gustong gusto mong hawakan habang nagbabasa ng blog ko. komportable kana ba sige eto na!

Sa nakaraang post ko marami pakong hindi nabangit na kakaiba dito sa canada ayan, dito sa canada meron silang tinatawag na 4 seasons ang mga ito ay : summer, fall, winter at spring. kung tawagin satin ay : tag-init, tag-lagas,  tag-lamig at  tag-sibol, satin sa Pilipinas  dalawa  lang  in  general  ang panahon natin tag-init at tag-ulan, minsan kung mamalasin hindi pa ganong mag-uuulan, kapag summer dito makikita mo yung mga tao puro maiikli ang suot sa mga lalake madalas mong makikita na naka-short lang at sando o t-shirt na light colors madalas din silang naka-shades dahil nga mainit at nakakasilaw sa mga babae naman hehehe interesting kasi ang madalas na suot nila maikling short naka sando din madalas kasi ang dahilan nila mainit at mas gusto nila ang umiitim ang balat nila kasi ok daw yun para sa kanila, naka-ispageti shirt din  ngunit ng nagpunta kami sa Toronto Zoo  napa-wow ako  at  talaga namang  mapapalingon ka sa makikita mo isang tropa ng mga namamasyal na babae na puro lang sila naka-bra oo naka-bra lang pero hindi basta basta na bra lang ang suot  isang klase ng bra na katulad ng mga nasa beach.

Speaking of beach naman e hehe sigurado gusto mong pumunta dito kasi puro naka-bikini lang lahat ng nasa beach meron ding mga naka-short at naka-t-shirt pero bihira lang ang mga lalaki naman naka-trunks lang walang damit pantaas (wow papa aaayyyy!) ehem… ok asan naba tayo…??? ay oo ang tempiratura nga pala dito kapag summer  ay umaabot ng 30deg. hanggang 34deg. sa pinas kwarenta (40deg.) pataas kapag fall naman o tag-lagas dito sa canada dyan mmona makikita yung mga madalas naka long sleeves at doble ang mga suot naghahanda na silang bumili ng winter clothes at tinatago na nila yung pang-summer, kapag winter na o tag-lamig dyan mona din makikita yung bukod sa naka long sleeves at doble ang suot nagiging triple o apat na patong ng damit para lang mainitan ang katawan nila meron din silang tinatawag na thermal wear na isusuot mo para hindi ka lamigin lalo na yung mga hita mo hindi pwede yung pantalon lang papasukin ka talaga ng lamig kapag wala kang sout na thermal wear clothing ang temperatura naman ay bumabagsak na sa 10deg. - 5deg. - 0deg. hanggang mag minus o negatib sya na talaga namang grabe, may ginawa nga akong video noong winter kaso ayokong ilagay dito kasi nakakahiya ehehehe…

Ok kapag minalas malas kapa aabutin mo yung tinatawag nilang winter storm na talaga namang nakakabwiset dahil madami ka na namang kakayurin na snow lalo na kapag nagtatrabaho ka at maaga ang pasok mo na talaga namang tatanggalin mo ang snow sa garahe mo kasi hindi mo magagamit ang sasakyan wag mo din kakalimutang magpalit ng winter tires katulad nga ng nabanggit ko sa unang post ko sa panahong malamig na malamig daig pa ang rep sa ginaw ay maraming depressed kasi walang magawa at nakakatamad lumabas ng bahay lalo na kung wala kang kayakap sa lamig ng panahon ay! ewan ko lang. hahahaha kapag spring o tag-sibol na unti unti ng tumataas ang temperatura at unti unti nading nagbabago ng kasuotan ang mga tao kasi malapit na uli ang summer panahon na naman ng plano kung saan sila magbabakasyon (akala ko ba nagtitipid ka..? nyak!) speaking op bakasyon maraming nagpupunta sa Quebec o Montreal sa Ottawa marami daw magagandang tanawin doon (gusto kong pumunta wala akong pera huhuhuhu…) isa pang nakakatuwa dito e hindi ka pinapakialaman ng ibang tao kahit sa  klase ng pananamit wag lang masagwang tignan at pagpi-pyestahan ka talaga… teka teka medyo inaantok nako..

Sige kaibigan sa susunod na lang uli may part 3 pa hehe abangan mo na lang uli madami pakong idadag-dag.. hanggang sa muli!





Sa Canada

14 05 2008

Ok eto na naman ako at nagsusulat ng blog ko hehe.. ito naman ay tungkol sa mga naranasan ko dito sa canada, simulan natin sa paglapag ko dito sa bansa ng ibat ibang lahi, bakit kanyo? kasi ang canada ay binubuo ng ibat ibang lahi na galing sa ibat ibang sulok ng daigdig, ok sa paglapag ko palang sa Pearson International Airport sa Toronto namangha ako sa ganda, ok astig modern na modern ang design kait alam kong hindi padin sya papantay sa Airport ng Hong Kong na alam kong mas moderno at hi-tech. at kung ikukumpara mo naman sya sa Aiport ng Pilipinas e… wala lang hehehe as in wala, paglabas ko galing sa docking tube medyo mahaba pa ng konti yung nilakad ko paputang baggage area pero bago ka makapunta doon dadaan ka muna sa kostom kung saan ibibigay mo ang kostom deklareysyon mo pagkatapos ay sa immigration na.. atafter noon sa kuhanan na ng mga bagahe.

Mabilis ang kuhanan ng bagahe doon hindi katulad sa pinas isang oras ng naghihintay sa carousel yung kukuha ng bagahe wala pa ding nangyayari at sa hanngang sa uminit na ang ulo nila, hindi ba? meron ding mga porter pero hindi sila katulad uli sa pinas na lalapit sayo at mangaalok ng tulong na may kasamang TIP bulong sa kostumer, dito sa canada andun lang sila sa isang sulok nagaalok din ng tulong pero sila ang lalapitan mo para tulungan ka pero syempre humingi ka ng tulong bayaan mo na kung magkano ang ibibigay mo sa kanilang TIP, yun lang may bayad ang troli na lalagyanan o ng bagahe worth 2 dollars mahal satin yan, ng nasundo nako ng pinsan ko sa Airport at habang bumabagtas kami sa Highway 401 - pangalan yun ng daan, e nakita ko yung mga magagandang tanawin na sa tv ko lang dati nakikita.

Habang patuloy ang pagbagtas namin nakakita uli ako ng kakaiba na sa tanan ng buhay ko e makakakita ako ng ganun live in colors! ang ibat ibang klase ng sasakyan na hindi basta basta nabibili satin sa pilipinas katulad ng BMW all series, Jaguar, PORSCHE, Hybrid FORD, yung mga paborito kong kotse sa pelikulang the fast and the furious, at syempre ang sikat na sikat na FERRARI at LAMBORGHINI na humaharurot sa daan na akala mo hindi sila pwedeng habulin ng pulis sa sobrang bibilis ng takbo sa sobrang excited ko na makita ng ganong klase ng saksakyan sinabi ko sa pinsan ko na “dalian mo para abutan natin..” na parang aabot kami na gamit lang ay van na papalitan nadin nila, ok nabanggit ko na papalitan na ng pinsan ko ang van nila, dito sa canada pwede kang kumuha ng saksakyan na “list” ibig sabihin bibilin mo ang sasakyan ng hulugan at pagkatapos ng ilang taon na pwede mo syang bayaran e isosoli mo nadin sya kasi list lang sya, ibig sabihin din pwede kang magpalit palit ng sasakyan.

Pwede kading bumili na ng cash o kumuha ng sasakyan na para bang rent to own, babayaran mo sya ng hulugan at kapag fully paid kana sayo na yung sasakyan kung gusto mo talaga syang kuhanin, at isa nga pala sa mga rule dito ng pagbabayad ay via credit card kasi dito importante ang credit line kung sa pilipinas ayaw natin ng may credit card kasi mababaon tyo sa utang o di kaya kukulitin tyo ng bangko para lang magbayad, hindi ganun dito kelangan mo ng credit line dahil isa sa mga tinitignan ng nagpapautang kung ok kang magbayad ng credit card mo o hindi kung hindi ka magandang magbayad ng credit card mo hindi kanila papautangin basta basta at kung wala ka namang credit line mas lalo kang mahihirapang pautangin ng bangko kasi wala silang proof kung mababayaran mo nga yung inutang mo o hindi, lupit no talagang nagsisigurado sila satin kasi sa piliinas may tumatakbo hehehe, at dito nga din pala kapag hindi mo nabayran ang credit na kinuha mo sa bangko kukuhanin nila ang bahy mo pati na lahat ng ari arian mo damit lang ang matitira sayo na napaka saklap na mangyari kaya yung iba bumibili na lang ng condo unit at yung iba naman sa apartment padin nakatira hangang sa kaya na nilang makakuha ng sariling bahay.

Speaking of condo isa sa mga dahilan ng naka condo ay para hindi na sila maglimas ng snow kapag bumagsak na ang snow lalo na kapag kumapal na sya at hindi ka makalabas ng bahay at makapunta sa garahe kasi punong puno ng snow ang daraanan mo kapag naka-condo ka ang babayaran mo nalang ay ang utilities o maintenance kasi kung ang condo mo e sa 20th floor pa hindi kana maglilimas ng snow kasi binayaran mo na sila para gawin yun.. ang bayad sa utilities at naintenance e kasama na sa upa mo sa condo na pwede ding rent to own, pero syempre iba padin yung may sarili kang bahay kasi feel na feel mo yung mga pinaghirapan mo ng maraming taon ng pagsasakripisyo. yun nga lang kapag may snow na tatanggalin mo ang part na puno ng snow lalo na sa garahe, dito din kelangan mong tanggalin ang snow sa may sidewalk na nasasakupan ng bahay mo, dahil kapag may nadulas sa gilid ng bangketa mo e pwede ka nilang idimanda at peperahan kanila sigurado yun, sa maniwala kat sa hindi isa yun sa mga batas dito noong una hindi din ako makapaniwala hanggang sa nakarinig ako ng kwento at nakasaksi mismo doon palang ako naniwala. weird no pero totoo.

Kapag may sasakyan kana dito at winter time na o malapit ng bumagsak ang yelo kelangan mong mag palit ng gulong dahil merong klase ng gulong na dumudulas kapag may yelo na ang daan meron silang tinatawag na winter tires na sinadyang gawin para lang sa snow at kapag spring na o tagsibol kung tawagin satin hanggang mag summer e kailangan mo na ulit magpalit ng gulong in short 2x kang magpapalit ng gulong, ang gastos no? pero ang dahilan dyan ay for safety reason dahil maraming naaksidente kapag nagi-snow na dito, mahigpit din sila sa batas tungkol sa pagmamaneho kapag sumobra ka sa speed limit ng daan na tinatahak mo at nakita ka ng pulis huhulihin ka, speaking of pulis ang mga pulis dito e nakakalat sa daan may kanya knya silang mobile unit patrol, kaya wala kang ligtas kapag gumawa ka ng kalokohan meron ding klase ng pulis na nakatayo lang sa gilid ng bangketa na may hawak na parang laser gun na laruan pero yun pala panukat ng bilis ng sasakyan mo kapg lumagpas ka uli huhulihin kana naman, ang higpit no? pero dahil dun nagkakaroon ng disiplina ang mga tao kaya low crime rate ang canada.

Sa totoo lang marami pakong idadagdag pero masasakit na kamay ko kaka-type abangan mo nalang ang part2, ok! hanggang sa muli.!

To be kontinyu..  





Sa Pinas.. (alaala ng isang babae)

9 05 2008

Ang blog na ito ay tungkol sa isang mahal ko sa buhay na na-ngibang bansa na, adun sya ngayon sa DUBAI katulad ko nakikipagsapalaran din sa buhay para matamasa ang kaginhawahan, ayan, noong andito pa kami sa pilipinas hindi ko sukat akalain na makakakilala ako ng isang babae na ubod ng bait at malakas ang dating (alam mo na yun) nakilala ko sya sa hospicio de san jose kung saan napapagitnaan sya ng dalawang ilog in other terms nasa gitna sya ng ilog.. kung nadadaan kyo sa ayala bridge na papuntang SM Manila o Manila City Hall makikita nyo sa gitna ng tulay yung hospicio de san jose.

Ok..

Nakilala ko sya ng mag-boluntir ako sa hospicio naisip ko lang na mag day shift, at ayun pinag tagpo kami ng tadhana hihi.., na shock ako kasi sya pa ang unang lumapit sakin imbis na ako.. at doon na nagsimula at nabuo ang isang alaala, isang linggo ko din syang nakasama at pagkatapos noon bumalik nako sa night shift at sya naman nalipat na sa ibang division at sa hindi inaasahang pangyayari bgla akong umalis kasi nagsimula na akong mag-ojt sa malacanang engineering division ng 9 months pero walang nangyari dahil sa sobrang korap ng sistema sa loob, grabe..

Habang nag-o-ojt ako e kapag break time ngpupunta ako sa hospicio kasi mlapit lang yun sa opisina namin, nahuhulaan mona ba kung bakit ako nagpupunta sa hospicio during break time? ano pa e di nanliligaw? kaso sa kasamaang palad na naman natapos na sya sa training nya doon.. buti na lang at may no. ako nya chiching! may litrato pa! at continue lang ang komunikasyon namin hanggang sa nagkaroon na sya ng mga problema na hindi ko lubos maisip na ganon ang mga pinagdadaanan nya.. grabe oo grabe talaga, pero wala akong magawa gusto ko syang tulungan sa buhay pero malupit ang tadhana hanggang umalis nako sa opis at nag-try ng luck sa MIAA (Manila Interntional Airport Authority).

Dalawang linggo akong nag-ojt doon at sa awa ng diyos 3 months ang hinintay ko para lang ma-hire.. bwiset ibig sabihin 3 months din akong nakatunganga at naka-tambay sa bahay.. na pinapagalitan ako ng nanay ko kasi wala pakong trabaho buti nalang at tinawagan nadin nila ako sa wakas may trabaho nako! Ma`am Judith Dolot salamat po ng marami! maganda naman ang naging takbo ng buhay ko sa airport kahit maraming hokus pokus na nangyayari at kahit mahilig akong pagalitan ni mam grace apolonio ok lang.. balik tayo sa kanya, lumipas ang ilang buwan at nagkita uli kami, tuwang tuwa ako ng makita ko sya uli buti na lang at pumayag uli ang tadhana hehe, maghapon kaming nakatambay sa mall, nanood ng sine kumain sa jollibee at kwentuhan ng buhay buhay hanggang sa nlaman kong aalis na pala sya papuntang DUBAI.

Sa airport hinintay ko sya at sinamahan ko sya hanggang makaboard sya ng eroplano.. sya sya.. ayan ang mga huling sandali ko sa kanya kahit papano nakasama ko sya hanggang sa mga huling sandali ng kanyang pag-alis (umiyak ka bri..?) oo aaminin ko naluha ako dahil naisip ko na baka hindi na kami magkikita pang muli pero I have to move on, I have to continue living nariyalays ko na magkikita pa kami balang araw at sa kabutihang palad may komunikasyon padin kami hanggang ngayon, pupunta raw sya sa PARIS at doon muna sya mananatili at after 3 years magkikita uli kami.

ANN tuparin mong lahat ng mga pangarap mo at kung papayag uli ang tadhana magkikita uli tayo.. salamat sa magagandang alaala. hanggang sa muling pagkikita. mabuhay ka! 





Ibang Bansa pt. 2

8 05 2008

Ok ehem.. eto nga pala yung kaduktong ng naputol kong kalokohan este kwento pala..  saan naba yun..??? a oo, yung mga bagay bagay na hindi kona pwedeng magawa dito sa canada o hindi ko na sya basta basta pwedeng gawin ng ganong ganon lang.. ayan kung natatandaan mo yung larawan ko sa unang post ko akala m walang problema sa ngiti.. pero hindi pala may nakatagong hiwaga yung mga ngiti na yun.. ang hiwaga na yun ay ang mga nababangit o naririnig natin na salitang “abuso” oo naranasan ko yan hindi kona pahahabain pa.. basta “ABUSO” o abusado sila, at doon din ako naniwala na totoo pala ang mga nababalitaan ko noong nasa pilipinas pako.. inuulit ko “abuso o abusadong mga tao” lalo na kapag may utang na loob ka na dapat mong pagbayaran.

Naranasan kona din ang madiskrimineyt at naramdaman kona din ang ugaling pinoy dito sa ibang bansa.. oo sa maniwala kat sa hindi.. noong unang nagkaroon ako ng trabaho dito sa isang bakery store/shop, na isang matagumpay na pinoy ang may ari na parehong batanggenyo pa.. at halos lahat ng staff nya ay taga batangas “ala e.. pagkarami namang tao nire..”  at ilang mga taga laguna.. tinanggap ko ang posisyon na baker o ovenbaker kung saan ako ang nagbabantay ng nilulutong tinapay (na muntik ng masunog) tandang tanda kopa na may dalawang bisor isa sa food prep. at isa sa mga finishing products lagi akong tinatawag at inuutusan ng dalawang pinoy nato.. kung saan may ginagawa ko sa kabila panay naman ang utos ng isa nakakabwiset diba? alam mo naman na may pinagagawa syo yung isa sasabay naman sya na kung saan e talagang napagod ako ng husto tinatanong pa nga nila ako kung tatagal kaba o hindi at sa kasamaang palad dalawang araw lang ang itinagal ko doon, hindi dahil sa nag-kwit ako kundi ang papatalsik sakin.

Hindi ko alam kung bakit? na first time ako doon ah.. ngayun ko lang naranasang patalsikin sa trabaho bwena mano pako sa mga bagong pasok noon.. (hayup na bakery shop na yun ah.. may araw din kayo grrrr…) bumalik ako ng lunes para kuhanin ko yung sahod ko ng dalawang araw pagkatapos ay kinausap ko yung mismong may ari ng store sabi ko “bossing bakit naman ako natanggal?” sabi nya “Iho sabi kasi sakin na mabagal ka “daw” kumilos” sabi ko naman “mawalang galang napo pero hindi po ba baguhan lang ako sa ginagawa ko.. ” at inulit nya ang sinabi nya “mabagal ka “daw” iho e..” kung ikaw ang tatanungin tama ba na patalsikin ka kagad sa trabahong bago syo at wala kang kaalam alam na hndi naman yun ang naging trabaho mo dati ng nasa pilipinas kapa? OMG sobrang unfair diba?! hindi patas at marami akong narinig na hokus pokus pagkatapos ng pangyayaring yun.

Kaya napatunayan ko na totoo talaga ang sinasabi nila na “HIND MO MAPAGKAKATIWALAAN ANG PILIPINO SA IBANG BANSA” andun padin ang tinatawag nating “CRAB MENTALITY” hay nako…. ang pilipino nga naman tsk tsk tsk lumipas ang ilang linggo nakahanap uli ako ng bagong trabaho sa tulong ng isang kaibigan na tsinay, lahing intsik tubong cebuana english espokaning na sya kasi dito na sya lumaki sa canada sa tulong ng reperal nya skin sa isang restoran na-hire ako pagkatapos ng pisikal exam ko hindi waiter ha kundi dish washer oo taga hugas ako ng pinggan pero kahit taga hugas lang ako ng pinggan e.. hindi sa pagmamayabang pero daig kopa o kapantay ko lang ang sweldo ng isang manager sa pinas mataas pa kung tutuusin at wala pa doon ang mga TIP na nakukuha ko minsan hehehe taga hugas lang ng pinggan brad.. hehehe bossing ang sweldo haha (sya tama na.. ) at hindi pinoy ag may ari nito kundi dalawang business partner na italiana bilib sila sakin kasi mabilis “daw” ako kumilos at ok makisama “you have a good atittude brian” ika nga nila kaya eto hanggang ngayon nagtatrabaho pako sa kanila at malapit nadin akong mag-isang taon sa trabaho ko (wag lang sasabit) puro puti syempre ang kasama ko doon may ibang lahi din tulad ng hapon, vietnamese, african canadian, muslim, at syempre pilipino.

At eto ako ngayon nagpopost ng blog ko nakabili nadin kasi ako ng sarili kong laptop madali naman makaipon e wag ka lang papatukso sa ibang produkto na alam mong kaya mong bilhin.. hmmmm naka-isip na uli ako ng bagong mailalagay sa blog ko.

Ok ang moral lesson ng kwento ko e obvious naman..

1.wag kang basta basta magtitiwala sa kapwa mo pilipino kapag nasa ibang bansa kana. 2.pipiliin mo yung mga taong siguradong hindi ka ipagkakalulo. 3.maging masipag sa trabaho lalo na kapag puti/itim ang may ari ng pinapasukan mong trabaho. 4.wag mamimili ng trabaho. 5.matuto kang rumispeto sa kapwa pilipino mo. 6.matuto kang magsalita ng english. 7.mag-ipon at wag maging magastos.. (nagsalita ang hindi magastos) 8.wala ng kokontra. 9.hanggang sa muli kaibigan 10.E N D